Philip Salvador ipatatawag ng DOJ
March 1, 2004 | 12:00am
Padadalhan ng subpeona anumang araw mula ngayon ng Department of Justice (DOJ) ang aktor na si Philip Salvador matapos itong sampahan ng kasong P15 milyon estafa ng kanyang dating girlfriend na si Cristina Castillo.
Ayon kay Justice Chief State Prosecutor Jovencito Zuno, ang pagsu-subpeona sa aktor ay pagbibigay ng pagkakataon dito upang sagutin ang reklamong iniharap ni Castillo laban sa kanya at sa kanyang kapatid na si Ramon Salvador.
Ipinaliwanag ni Castillo na napilitan na siyang kasuhan ang aktor dahil sa patuloy nitong pagbabalewala sa kanyang pakiusap na bayaran ang hiniram nitong pera.
Nais din ni Castillo na mag-public apology si Salvador sa kanya matapos umanong sabihin ng aktor na ang pagsasampa niya ng kaso ay bunga ng ginawa nitong pagpapakasal sa iba. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest