ID system, ipatutupad na sa Taguig
February 27, 2004 | 12:00am
Upang maibsan ang lumalalang krimen sa bayan ng Taguig na ngayon nga ay binansagang salvage capital sa Metro Manila dahil halos araw-araw ay may patayang nagaganap dito, mahigpit nang ipapatupad sa darating na buwan ng Marso ang ID system sa mga residente dito.
Ito ang inihayag kahapon ni Taguig Mayor Sigfrido Tinga, kasabay nang pag-amin na isa sa pangunahing problema nila dito ay ang sitwasyon ng peace and order.
Sinabi pa ni Tinga na maging siya ay naaalarma sa paglala ng krimen sa kanyang lugar, lalo na ang sunud-sunod na patayan dito.
Isa sa inireklamo naman ng alkalde ay ang kakulangan ng bilang ng kapulisan, sa kabila na malaki ang area nito at mataas ang bilang ng populasyon sa naturang bayan.
Dahil nga dito, ipapatupad nila ang ID system sa lahat ng mga residente.
Sa pamamagitan aniya ng sistemang ito ay kaagad na malalaman kung sino ang mga wanted sa batas at kung sino ang mga nasangkot sa krimen. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest