^

Metro

PGMA, Lina nanguna sa Pirma Kontra Droga

-
Pinangunahan nina Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Department of Interior and Local Government Secretary Joey Lina (DILG) ang Pirma Kontra Droga na naglalayong magkaroon ng nagkakaisang adhikain ang mga opisyal ng pamahalaan laban sa paglaganap ng ipinagbabawal na gamot sa bansa.

Dinaluhan ng may 100,000 lokal na opisyal, estudyante at non-government organization mula sa NCR, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region,Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa at ng Bicol region ang pagtitipon na ginanap sa Liwasang Ipil-Ipil sa CCP Complex, Roxas Blvd. Pasay City.

Ipinaliwanag ni Lina na ang Pirma Kontra Droga ay pagpapakita ng partisipasyon ng bawat isa sa pagsugpo ng droga na siyang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng mga karumal-dumal na krimen.

Matatandaan na isinagawa din ang Lakbay Kontra Droga mula Batanes hanggang Jolo upang mapataas pa ang kaalaman ng publiko laban sa ipinagbabawal na gamot.

Samantala, umaabot naman sa 841 barangay sa Kalakhang Maynila ang idineklara ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) na drug free matapos na madakip ang may 8,000 katao sa kanilang isinasagawang saturation drive.

Ayon kay NCRPO chief Director General Ricardo de Leon, ang mga sibilyan na kanilang nahuhuli ay agad na sinasampahan ng kaso sa korte at agad na dinadala sa mga city jails.

Naniniwala din si de Leon na tuluyan nang masusugpo ang problema sa droga sa mga susunod na buwan kung mas lalong makikipagtulungan ang mga mamamayan. (Ulat ni Doris Franche)

CAGAYAN VALLEY

CENTRAL LUZON

CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION

DIRECTOR GENERAL RICARDO

DORIS FRANCHE

DROGA

KALAKHANG MAYNILA

LIWASANG IPIL-IPIL

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with