^

Metro

P250,000 pabuya alok ni Barbers sa ninakaw na Sto. Niño

-
Dahil sa pag-aalala at pagmamalasakit na muling maibalik ang ninakaw na 300 taong gulang na imahen ni Sto. Niño sa makasaysayang simbahan ng San Agustin noong isang linggo, nangako at nag-alok si reelectionist Senator Robert ‘Bobby’ Barbers ng reward na P250,000 sa sinumang makapagbibigay ng mahalagang impormasyon na magbubunsod sa pagkakaaresto ng mga salarin.

Ayon kay Barbers, lubhang kagimbal-gimbal na nagagawa ito ng ilang taong di-maka-Diyos na nakawin ang banal na imahe ni Kristo na ayon sa kanya ay katumbas ng isang karumal-dumal na krimen.

"We are predominantly a Christian nation and stealing such an item that has historial, cultural and religious values goes beyond the sphere of an ordinary case of theft," dagdag ni Barbers.

Nanawagan din ang tagapangulo ng Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs sa mga miyembro ng Western Police District na doblehin ang kakayahan para maaresto kaagad ang mga responsable sa pagnanakaw ng imahen.

Si Barbers ay kilalang deboto ng Sto. Niño noon pa mang siya ay miyembro ng pulisya na nagsaad na sa maraming pagkakataon ay nagligtas sa kanyang buhay sa oras ng kagipitan sa pagtupad sa kanyang tungkulin bilang pulis. (Ulat ni Rudy Andal)

AYON

DAHIL

DIYOS

KRISTO

RUDY ANDAL

SAN AGUSTIN

SENATE COMMITTEE

SENATOR ROBERT

SI BARBERS

STO

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with