Nakilala ang nasawi na si Erwin Ching, 22, ng #22 Isagani St. Sta. Cruz, Maynila habang ginagamot naman sa Our Lady of Lourdes Hospital ang kasintahan nito na si Khristine Montiel, 22, estudyante at naninirahan sa 38-D Sct. Castor, Diliman, Quezon City.
Batay sa ulat ng WPD-Homicide Division, nag-check in ang dalawa kamakalawa pa ng gabi at nag-overnight. Nagulat na lamang ang mga empleyado ng hotel nang makarinig ng putok ng baril.
Mabilis na umakyat ang ilang empleyado at pulis at nakita nila dakong alas-10 ng umaga na naliligo na sa sariling dugo si Ching habang naghihingalo naman si Montiel.
Lumilitaw sa imbestigasyon na plano ng biktima na magpakamatay kasama si Montiel gamit ang baril na 357 mm ngunit tinangka siyang awatin nito (Montiel) kung kayat nahagip ang sentido nito matapos na tumagos ang bala sa ulo ni Ching.
Nag-iwan din ito ng dalawang suicide note na para sa kanyang ina at sa mga tauhan ng hotel. Nakasaad sa suicide note ni Ching sa kanyang ina ang "Thank you for everything youve done to me. For all the sacrifices that you gave me, you really a special one, but that special thing in you makes my life miserable, sorry for all the things I have done. I miss you so much, siyanga pala ibigay mo kay Michelle Peilio ang lahat ng aking pera, kotse at cellphone, pati na rin ang lahat ng mamanahin ko. Salamat sa lahat, ingat lagi."
Humihingi din ng dispensa si Ching sa pamunuan ng hotel sa kanilang ginawa. (Ulat ni Danilo Garcia)