2 bumbero,1 pa sugatan sa sunog
February 22, 2004 | 12:00am
Dalawang bumbero ang malubhang nasugatan, habang isang usyusero ang nabagsakan ng gumuhong pader sa naganap na sunog sa isang palengke, kahapon ng umaga sa Valenzuela City.
Ginagamot ngayon sa Fatima Medical Center ang mga biktima na nakilalang sina SFO3 Roberto Suarez at FO2 Reynaldo delos Santos na nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan sanhi ng pagbagsak ng pader kung saan inaapula ng mga ito ang apoy.
Nagtamo rin ng sugat sa ulo ang mamimiling usyusero na si Venancio Bandal, 66, at ngayon ay ginagamot sa Valenzuela General Hospital.
Sa ulat, dakong alas-7:15 ng umaga nang magliyab ang Valenzuela Cooperative Market na matatagpuan sa Don Pedro Subd., Brgy. Marulas, sa nasabing lungsod.
Agad na rumesponde ang mga pamatay-sunog ngunit nang pinaalis na ng mga ito ang mga usyuserong mamimili ay nagmatigas ang mga ito hanggang sa kainitan sa pagpatay ng apoy nang bigla na lamang bumagsak ang pader na naging dahilan ng pagkakasugat sa ulo at galos sa katawan ng tatlong mga biktima.
Mabilis namang isinugod ang mga ito sa magkahiwalay na pagamutan.
Naapula ang apoy dakong alas-8:30 ng umaga kung saan umaabot sa halos P1 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy.
May palagay naman ang mga awtoridad na posibleng electrical faulty wiring ang pinagmulan ng apoy base na rin sa sanga-sangang kawad ng kuryente na nakita sa nasabing palengke. (Ulat ni Rose L. Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended