^

Metro

Bebot kinatay ng hubo't hubad

-
Palaisipan sa mga tauhan ng Central Police District (CPD) ang pagkamatay ng isang hindi pa nakikilalang babae matapos itong matagpuang hubo’t hubad kahapon ng umaga sa Quezon City.

Ang biktima ay maputi, nasa edad 40-45, may taas na 4’11’’, maikli ang buhok at balingkinitan ang katawan. Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, may tumawag sa kanila upang ipagbigay-alam ang natagpuang bangkay ng babae dakong alas-5 kahapon ng madaling-araw ng security guard ng Pedro Tuazon Elementary School sa P. Tuazon Blvd., Cubao, QC.

Bukod sa maliit na hiwa sa kanyang hita, lumabas din ang bituka ng babae sa kanyang puwet na palatandaan na posibleng tinorture ang biktima na naging sanhi ng kamatayan nito.

Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito.

Kasalukuyang nakalagak sa Prudential funeral parlor ang bangkay ng biktima. (Ulat ni Doris M. Franche)

vuukle comment

AYON

BUKOD

CENTRAL POLICE DISTRICT

CUBAO

DORIS M

FRANCHE

ISANG

PEDRO TUAZON ELEMENTARY SCHOOL

QUEZON CITY

TUAZON BLVD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with