^

Metro

Bus bumangga sa poste ng MRT, nahati: 25 sugatan

-
Dalawampu’t lima katao ang malubhang nasugatan makaraang bumangga ang isang pampasaherong bus sa poste ng Metro Rail Transit at mahati ito, kahapon ng tanghali sa Makati City.

Kaagad na isinugod sa Ospital ng Makati ang mga biktima na nakilalang sina Donna Rabacal; Vicky Peralta; Allan Delgado; Ferderico Israel; Amar Torecampo; Teresita Ramos; Mark John Quitoriado; Osorio Mendoza; Joseph Bulacan at Romeo Tan. Nagtamo ang mga ito ng malulubhang sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, ang driver na si Severino Jimenez ay kasama na isinugod sa Makati Medical Center at ang iba pang biktima ay inaalam pa ang mga pangalan. Ayon sa imbestigasyon ng SPD, Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong alas-12:20 ng tanghali sa north-bound ng EDSA-Magallanes Village, malapit sa Mantrade, Makati City.

Nabatid na binabagtas ng isang Lippad Transit na may plakang NYB-405 galing Alabang ang naturang lugar nang mawalan ng preno ang bus at bumangga sa kongkretong poste ng MRT, Magallanes station. Dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga ng bus, nahati ito at naging sanhi ng pagkakadisgrasya ng 25 pasahero. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ALLAN DELGADO

AMAR TORECAMPO

DONNA RABACAL

FERDERICO ISRAEL

JOSEPH BULACAN

LIPPAD TRANSIT

LORDETH BONILLA

MAGALLANES VILLAGE

MAKATI CITY

MAKATI MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with