Lider, 18 miyembro ng 'Dacoycoy Gang', timbog
February 20, 2004 | 12:00am
Tuluyang nabuwag ng pulisya ang kilabot na Dacoycoy highway robbery gang matapos na masakote ang 19 na miyembro nito kabilang ang kanilang lider, kahapon ng umaga sa Port Area, Maynila.
Nakilala ang mga nadakip na sina Rolando Debutas, alyas Dacoycoy, sinasabing lider ng grupo; Rogelio Suvilla; Ramil Venancio; Danilo Antimaro; Rogel Ballad; Ernesto Francisco; Juanito Canlas; Cristino Canlas; McArdie Manila; Rogelio Tobias; Mario Valdez; Edward Magbutay; Edgardo Morada; Noylet Flores; Alvin Dizon; Edgar Bermerito; Reynaldo Raymundo; Robert Pascual at Wilfredo Cruz.
Sa ulat ng WPD-Traffic Management Unit hinayjack ng mga suspect ang isang 20-foot container van na naglalaman ng P600,000 halaga ng asukal dakong ala-1 ng madaling-araw matapos na lumabas ito sa Port of Manila.
Dahil dito, agad namang itinaas ng WPD-TMG ang alerto sa buong Metro Manila na kung saan nasundan ng pulisya ang naturang cargo van sa may North Bay Boulevard sa Navotas.
Mabilis na sinalakay ng TMG ang bodega na inuupahan ng isang Rogelio Madali kung saan hindi na nagawang makapanlaban ng mga miyembro ng sindikato matapos na agad silang makubkob ng mga awtoridad.
Narekober ang naturang cargo van at mga laman nito maging ang isang motorsiklo na ninakaw rin ng mga suspect at ginagamit sa kanilang operasyon. (Ulat nina Danilo Garcia at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended