Ayon kay NCRPO chief Deputy Director General Ricardo de Leon, umabot sa 17,000 ang bilang ng mga ipakakalat na pulis laban sa panggugulong posibleng gawin ng mga tagasuporta ni Da King sakaling ang desisyon ng SC ay hindi papabor sa kanila.
Ipinaliwanag ni de Leon na ang kanilang aksiyon ay bunsod na rin ng pahayag ng aktor na si Niño Mulach na magsasagawa sila umano ng human chain mula sa Monumento hanggang SC.
Aniya, kailangang maging handa ang kapulisan dahil walang nakaka-alam ng magiging aksiyon ng tagasuporta ni FJP matapos na dinggin ang disqualification case nito.
Sa katunayan, pansamantalang pinatigil ni de Leon ang shifting ng mga pulis upang mamonitor ang galaw ng mga FPJ supporters at mabigyan ng sapat na seguridad ang mga opisyal ng Kataas-taasang Hukuman.
Gayunman, sinabi ni de Leon na kailangan pa ring ipatupad ang maximum tolerance laban sa mga raliyistang supporters ni Da King. (Ulat nina Doris Franche at Joy Cantos)