^

Metro

Sa posibleng panggugulo ng FPJ supporters: NCRPO nasa red alert

-
Nasa red alert status ngayon ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) at National Capital Regional Police Office (NCRPO) hinggil sa posibleng magiging desisyon ng Korte Supreme hinggil sa oral argument sa citizenzhip ni presidential candidate Fernando Poe, Jr.

Ayon kay NCRPO chief Deputy Director General Ricardo de Leon, umabot sa 17,000 ang bilang ng mga ipakakalat na pulis laban sa panggugulong posibleng gawin ng mga tagasuporta ni Da King sakaling ang desisyon ng SC ay hindi papabor sa kanila.

Ipinaliwanag ni de Leon na ang kanilang aksiyon ay bunsod na rin ng pahayag ng aktor na si Niño Mulach na magsasagawa sila umano ng ‘human chain’ mula sa Monumento hanggang SC.

Aniya, kailangang maging handa ang kapulisan dahil walang nakaka-alam ng magiging aksiyon ng tagasuporta ni FJP matapos na dinggin ang disqualification case nito.

Sa katunayan, pansamantalang pinatigil ni de Leon ang shifting ng mga pulis upang mamonitor ang galaw ng mga FPJ supporters at mabigyan ng sapat na seguridad ang mga opisyal ng Kataas-taasang Hukuman.

Gayunman, sinabi ni de Leon na kailangan pa ring ipatupad ang ‘maximum tolerance’ laban sa mga raliyistang supporters ni Da King. (Ulat nina Doris Franche at Joy Cantos)

ANIYA

AYON

DA KING

DEPUTY DIRECTOR GENERAL RICARDO

DORIS FRANCHE

FERNANDO POE

JOY CANTOS

KORTE SUPREME

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with