2 bitay sa 2 miyembro ng ABB na killer ng Ajinomoto executive
February 19, 2004 | 12:00am
Dalawang miyembro ng Alex Boncayao Brigade (ABB) ang hinatulan ng dalawang parusang kamatayan ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) matapos na mapatunayang responsable sa pagpatay sa executive ng Ajinomoto Philippines at Manila Paper Mills at sa driver nito siyam na taon na ang nakararaan.
Sa 31-pahinang desisyon ni QCRTC Branch 79 Judge Demetrio Macapagal, sina Ruperto Lopez, Jr. alyas Tonton at Orlando Bondalian alyas Cesar ay hinatulan ng 2 death penalty makaraang mapatunayang nagkasala ng two counts ng pagpatay kina Leonardo Ty, 81, at driver nitong si Nestor Encarnacion.
Lumilitaw sa record ng korte na pinagbabaril nina Lopez at Bondalian sina Ty at Encarnacion sa panulukan ng Tandang Sora at Gen. Avenue dakong alas-9 ng gabi noong Disyembre 11,1995.
Nabatid na papunta na sa kanyang opisina ang biktima nang bigla itong harangin at pagbabarilin ng mga suspect na mabilis na tumakas.
Subalit matapos ang ilang araw, nadakip din ng mga tauhan ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) ang mga suspect batay na rin sa pahayag ng saksi.
Inamin din ng dalawa ang pagpatay sa business executive at sa driver nito.
Inatasan din ni Macapagal ang dalawa na magbayad ng P1,620,000 bilang compensatory damages; P50,000.00, moral damages at P500,000 naman bilang exemplary damages para sa pamilya nina Ty at Encarnacion. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended