^

Metro

2 Japanese tiklo sa Bangkok pills

-
Dalawang Japanese ang dinakip ng mga awtoridad makaraang mahulihan ng daan-daang tableta at kapsula ng hinihinalang Bangkok pills habang papaalis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Sr. Supt. Orlando Mabutas, Director ng Metro Manila Regional Office (MMRO) ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga suspect na sina Jonalle Fukami at Yasuro Matsubara, kapwa residente ng #172 Asagun Hyogo, Wayadama, Japan.

Batay sa report naaresto ang dalawa dakong alas 3:45 kamakalawa ng hapon sa Final Check Area ng International Passenger Terminal 1 ng NAIA.

Papasakay na ng Thai Airways at nakatakda sanang magtungo sa Osaka, Japan sina Fukami at Matsubara dala ang 588 na sari-saring tableta at kapsula na pinaniniwalaang Bangkok pills nang masakote ng mga awtoridad.

Ang dalawa ay kinasuhan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 ng Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Ulat ni Joy Cantos)

ASAGUN HYOGO

DALAWANG JAPANESE

DRUG ACT

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

FINAL CHECK AREA

INTERNATIONAL PASSENGER TERMINAL

JONALLE FUKAMI

JOY CANTOS

METRO MANILA REGIONAL OFFICE

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

ORLANDO MABUTAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with