^

Metro

Piskal arestado sa kotong

-
Dinakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa entrapment operation ang isang Assistant Prosecutor ng Morong Regional Trial Court matapos itong ireklamo ng pangongotong ng isang suspect sa carnapping upang madismis ang kaso nito.

Si Alexander Antonio, 54, residente ng Marikina City at nakatalaga sa Morong RTC branch 80 sa Morong, Rizal ay inaresto matapos na magreklamo si Placido Mendoza ng Jala-Jala, Rizal na nahaharap sa kasong carnapping. Tatlong taon ng nakabinbin kay Antonio ang kaso ni Mendoza.

Lumilitaw sa imbestigasyon na patuloy ang pagtanggi ni Antonio na idismis ang kaso ni Mendoza sa kabila ng pagsusumite ng Affidavit of Desistance ng kalabang kampo nito.

Unang humingi ang suspect ng P20,000 na ibinigay naman ni Mendoza upang tuluyan nang maipawalang bisa ang kaso nito.

Subalit muling humihingi ng karagdagang P5,000 si Antonio kung kaya’t dumulog na sa NBI si Mendoza.

Dahil dito, nagsagawa naman ng entrapment operation ang NBI at agad na dinakip si Antonio matapos na tanggapin nito ang marked money kay Mendoza.

Si Antonio ay nahaharap sa kasong direct bribery at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices (Act 3019). (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AFFIDAVIT OF DESISTANCE

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES

ASSISTANT PROSECUTOR

DANILO GARCIA

MARIKINA CITY

MENDOZA

MORONG REGIONAL TRIAL COURT

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PLACIDO MENDOZA

RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with