^

Metro

Barat na kostumer: Ari nilamukos

-
Namimilipit pa sa sakit at hawak ng isang 32-anyos na lalaki ang kanyang ari nang magtungo ito sa Baler Station ng Central Police District matapos na lamukusin ng isang Guest Relation Officer (GRO) na hindi nabigyan ng tip kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Halos hindi maipinta ang mukha ni Emilio dela Rosa ng 119 Rd. Brgy. Pag-asa nang ireklamo ang GRO na si Jinky Jimenez, 22 ng Golden Plane Disco na nasa panulukan ng Edsa at Congressional Ave. ng nabanggit ding lungsod.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw sa loob mismo ng nasabing disco bar.

Masayang nag-iinuman si dela Rosa at ang mga kaibigan nito nang biglang nilamukos ni Jimenez ang ari ng una.

Naasar umano ni Jimenez kay dela Rosa nang hindi tinupad ng huli ang kanyang pangako na bibigyan siya nito ng P800.

Dahil dito, nasuntok ni dela Rosa si Jimenez sa mukha na dahilan ng pagkakaroon nito ng black-eye.

Kapwa naman nakakulong sa Baler Police Station sina dela Rosa at Jimenez matapos na magsampa ng kaso sa bawat isa. (Doris Franche)

vuukle comment

BALER POLICE STATION

BALER STATION

CENTRAL POLICE DISTRICT

CONGRESSIONAL AVE

DORIS FRANCHE

GOLDEN PLANE DISCO

GUEST RELATION OFFICER

JIMENEZ

JINKY JIMENEZ

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with