2 miyembro ng Chinese Triad, tiklo
February 17, 2004 | 12:00am
Dalawa na namang Chinese national na pawang mga miyembro ng Chinese Triad ang naaresto ng operatiba ng Northern Police District (NPD) sa isang buy-bust operation at nakuha sa posesyon ng mga ito ang isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P2 milyon, kamakalawa ng gabi sa Divisoria, Manila.
Kinilala ni P/Chief Supt. Marcelino Franco Jr., NPD Director ang mga suspect na sina Delfin Chua, 38, at Chua Chai Sau, 34, kapwa tubong-Fuchian, China at kasalukuyang naninirahan sa Masangkay Condominium, Sta. Cruz, Manila.
Sa panayam kay Franco, sinabi nito na pawang mga miyembro ng International Drug Ring syndicate ang mga suspect at kumikilos sa bansa at sa Asia Pacific Region.
Sinabi pa ni Franco na matagal na umanong minamanmanan ng kanyang tanggapan ang operasyon ng mga suspect kung saan isang follow-up operation ang kasalukuyang isinasagawa para sa natitira pang mga kasamahan ng mga ito.
Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:40 nang maaresto ang dalawa sa Food Court sa 3rd floor ng Divisoria Mall, MB Santos St., Divisoria, Manila.
Napag-alaman na unang napagkasunduan ng poseur-buyer at ng mga suspect na sa Grand Central mall sa Monumento, Caloocan City kukunin ang bibilhing shabu subalit bigla umanong umiba ng desisyon ang mga suspect kung saan napagkasunduan na sa Divisoria Mall na lamang kukunin ang droga.
Sa panayam ng PSN, sinabi ng mga Tsinoy na may inisyal na JBB ang kanilang pinagkukunan ng shabu at nagtatagpo sila tuwing Linggo ng umaga sa isang fastfood chain sa CAMANAVA.
Nabatid din kay Franco na pawang walang mga kaukulang dokumento ang mga suspect kung saan pinaniniwalaang dumaan ang mga ito sa back door ng bansa upang makapasok.
Dinagdag pa ni Franco na may 21 Chinese national na kabilang ang dalawang suspect ang naaresto sa bansa na pawang mga sangkot sa international drug syndicate. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 28, 2024 - 12:00am