^

Metro

Piloto, 3 pa nakaligtas sa crash landing

-
Apat na pasahero na kinabibilangan ng piloto ng isang eroplano ang nakaligtas sa tiyak na kamatayan makaraang magmalfunction ang landing gear ng aircraft habang nagsasagawa ng landing sa rampa ng Manila Domestic Airport kahapon ng umaga.

Sa ulat na tinanggap ni Atty. Oscar Paras, Acting General Manager ng Ninoy Aquino International Airport, naganap ang insidente dakong alas-10:55 ng umaga sa runway 13-31 nang sumadsad ang Beechcraft BE-50 na may registry no. RP-C1950 na minamaneho ni Capt. Edax Agraviador.

Bagama’t walang nasugatan o namatay sa insidente, nagka-shock naman ang mga pasahero ng nasabing eroplano.

Lumilitaw na nagsasagawa ng test flight ang piloto ng eroplano sa Metro Manila, subalit minabuting bumalik agad matapos na maramdamang hindi gumagana ang landing gear.

Bumara ang eroplano sa runway 13-31 na naging dahilan ng pagka-antala ng flights patungong Davao, Cebu, Cagayan de Oro at Caticlan. (Ulat ni Butch Quejada)

ACTING GENERAL MANAGER

APAT

BAGAMA

BEECHCRAFT

BUTCH QUEJADA

EDAX AGRAVIADOR

MANILA DOMESTIC AIRPORT

METRO MANILA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

OSCAR PARAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with