Malabon fire: P10-M ari-arian naabo
February 15, 2004 | 12:00am
Umaabot sa P10 milyong halaga ng mga ari-arian ang naging abo makaraang masunog ang two storey industrial warehouse, kamakalawa ng hapon sa Malabon City.
Batay sa ulat, dakong alas-4 ng hapon nang magsimulang tupukin ng apoy ang Hanson Furniture na matatagpuan sa #1 Victoneta Ave., Brgy. Potrero, ng nabanggit na lungsod.
Ayon kay FO1 Rizaldy Evangelista, radio operator ng Malabon Fire, dakong alas-8:52 ng umaga na kahapon nang tuluyang maapula ang apoy sa nasusunog na warehouse na pag-aari ng Chinese-Filipino trader na si Alex Go-Dulcea.
Base sa imbestigasyon, nagsimula ang apoy sa ground floor ng nasabing warehouse at agad na kumalat ito sa buong gusali.
Lubha namang nahirapan ang mga bumbero sa pag-apula ng apoy dahil sa mga nakatambak na kemikal sa loob ng warehouse bukod pa sa pagiging luma ng gusali nito.
Wala namang iniulat na namatay o nasaktan sa sunog na umabot sa Task Force Charlie. (Ulat ni Rose L. Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended