Estudyante tinodas sa harap ng school
February 14, 2004 | 12:00am
Nasawi ang isang 16-anyos na kadete ng Citizens Army Training (CAT), matapos itong barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang lalaki habang ang una ay nakatayo sa harapan ng kanyang paaralan, kahapon ng umaga sa Navotas.
Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng isang tama ng .45 caliber sa ulo ang biktimang si Ryan Dimaulion, 4th year student ng Kaunlaran National High School na matatagpuan sa Kaunlaran Village, ng nasabing bayan.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-11 nang maganap ang insidente sa harapan mismo ng nasabing paaralan.
Nabatid na kasalukuyang nakatayo ang biktima kasama ang kasamahan nitong kadete sa harapan ng nabanggit na paaralan nang bigla itong lapitan ng isang hindi kilalang lalaki at agad na binaril ito sa sentido.
Ayon naman sa pinsan ng biktima na si Kelvin Mayrina na nakasaksi sa naganap na krimen, bigla na lamang umano sumulpot ang suspect na may takip na tuwalya sa mukha at agad na binaril ang biktima.
Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspect, habang agad namang isinugod sa nabanggit na pagamutan ang biktima subalit hindi na ito umabot pa ng buhay. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest