^

Metro

Kagawad dinedo ng mag-utol

-
Patay ang isang kagawad ng barangay makaraang pagbabarilin ng magkapatid na mga bodyguard umano ng isang gambling lord, matapos na magtalo sa pinatatakbong video karera ng amo ng mga suspect kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Hindi na umabot nang buhay makaraang isugod sa Mary Johnston Hospital sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa mukha at katawan ang biktimang si Ernesto Mijares, 41, kagawad sa Brgy. 65 Zone 6 District 1, Pacheco, Tondo.

Pinaghahanap naman ngayon ang mga nakatakas na suspect na nakilalang magkapatid na sina Roderico at Ricardo de Guzman ng D. Juan Nolasco St. Tondo, Manila.

Nabatid na ang magkapatid ay bodyguard ng isang Buboy na sinasabing operator at financier ng video karera sa lungsod.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-12:15 ng madaling-araw sa kanto ng Juan Nolasco at Aguila St., Tondo.

Napag-alaman na kinompronta ng dalawang suspect ang biktima ukol sa tangka nitong pagpapatigil sa operasyon ng kanilang mga video karera sa naturang lugar.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa awatin ang biktima ng kapatid nito. Pauwi na sana ang biktima nang lapitan ng isa sa mga suspect at saka malapitang pagbabarilin bago tuluyang nagsitakas. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AGUILA ST.

BRGY

BUBOY

DANILO GARCIA

ERNESTO MIJARES

GUZMAN

JUAN NOLASCO

JUAN NOLASCO ST. TONDO

MARY JOHNSTON HOSPITAL

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with