^

Metro

Saycon idiniin pa ng freelance journalist

-
Isang ‘freelance journalist’ ang lumutang kahapon sa National Bureau of Investigation (NBI) kung saan lalo pa nitong ibinaon sa kontrobersya si Pastor Boy Saycon na umamin umano sa kanya sa plano nitong pagpapabagsak sa pamahalaan at pagtatayo ng bagong uri ng gobyerno.

Sinabi ni Ben Peralta, isang ‘freelance’ na manunulat sa iba’t ibang pahayagan na nakausap umano niya nang personal si Saycon matapos ang nabigong Oakwood mutiny ng Magdalo Group noong nakaraang taon.

Ayon umano kay Saycon, secretary-general ng Council on Philippine Affairs (COPA), mayroon siyang suporta sa Magdalo kung saan ito ang maghahakot sana ng higit sa 1,000 katao na magsasagawa ng demonstrasyon sa panig ng mga rebelde kung nagtuluy-tuloy ito.

May kondisyon din umano siya na masusunod siya sa pagtatalaga ng mga tao sa itatayo nilang "revolutionary government".

Napipisil umano ni Saycon na iluklok sa pamunuan ng naturang pamahalaan si Vice President Teofisto Guingona, isang Dr. Emmanuel Yap at si Senador Sergio Osmeña.

Ipinagtapat pa umano sa kanya na matagal nang plano ni Saycon at ng grupong People’s Patriotic Movement na pabagsakin ang pamahalaan at magtatag ng panibagong gobyerno.

Matapos na mabigo ang naturang pag-aaklas, hindi pa umano tumigil si Saycon sa panghihikayat sa mga junior officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung saan binuo naman nito ang "Kawal Pilipino".

Kasalukuyan pa namang pinag-aaralan ng NBI ang ibinigay na testimonya ni Peralta kung totoo ang lahat ng inilahad nito at kung magagamit bilang ebidensya. (Ulat ni Danilo Garcia)

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BEN PERALTA

DANILO GARCIA

DR. EMMANUEL YAP

KAWAL PILIPINO

MAGDALO GROUP

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PASTOR BOY SAYCON

PATRIOTIC MOVEMENT

SAYCON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with