Nabatid na dumating dakong alas-6:30 ng umaga ang mga operatiba ng NAKTAF at SWAT upang dakpin ang hindi pa pinapangalanang police colonel na nakatalaga sa WPD.
Hindi naman naabutan ng grupo ang kanilang hinahanap na opisyal. Agad namang lumisan ang operatiba upang sa bahay sundan ang sinasabi nilang suspect na colonel.
Nabatid na hindi na nakipagkoordinasyon ang NAKTAF kay WPD director Chief Supt. Pedro Bulaong bago isinagawa ang kanilang operasyon.
Magugunitang isang police colonel ang itinuro ni Editha Demol, isa sa mga sumukong suspect sa NAKTAF at National Bureau of Investigation (NBI) na isa sa mga utak sa pagdukot at pagpatay kay Sy.
Ipinagtapat pa nito na dati umano niyang lover ang naturang opisyal na bagong salta lamang sa WPD. Bukod dito, dalawa pa umanong malalaking tao ang kasabwat ng opisyal sa pagbuo ng plano sa pagkidnap kay Sy.
Matagal na umanong nagsasagawa ng ganitong operasyon ang grupo.
Gayunman, itinatanggi ni Chief Inspector Gerry Agunod, Public Information Chief ng WPD na ibang operasyon ang ipinunta doon ng NAFTAK. (Ulat ni Danilo Garcia)