^

Metro

Police station ginawang beerhouse: 9 pulis sinibak

-
Makaraang gawing beerhouse ang istasyon ng pulisya at maglabasan ang mga malalaswang larawan, inirekomenda ni NCRPO chief Deputy Director General Ricardo de Leon ang pagsibak sa puwesto sa siyam na pulis na kinabibilangan ng hepe ng Drug Enforcement Unit ng Novaliches Police Station sa Quezon City.

Iniutos din ni de Leon ang pagpapatigil ng sahod at iba pang benepisyo ng mga pulis na nakilalang sina PO1’s Edmond Paculdan; Emeterio Mendoza Jr., Oliver Estrelles; Michael Collado; PO2’s Noel Magcalayo; Jose Usero at PO3’s Isagani Mateo at Jerry Villamar at ang hepe ng DEU na si Supt. Nilo Wong.

Ayon kay de Leon, ang mga larawan na lumabas sa ilang mga pahayagan ay isang mabigat na ebidensiya laban sa mga pulis na gumagawa ng kahalayan sa loob mismo ng istasyon ng pulisya.

Iginiit ni de Leon na ang pagkaka-relieve kay Wong ay bunga ng command responsilibity dahil karamihan sa mga pulis ay pawang nakatalaga sa DEU.

Ipinasasailalim din ni de Leon sa imbestigasyon ang hepe ng CPD-Novaliches Station na si Supt. Benedicto Lopez.

Ayon naman kay CPD director Chief Supt. Napoleon Castro, ang mga nasabing pulis ay inilagay sa District Security and Support Unit (DSSU) habang isinasagawa ang summary dismissal proceedings laban sa kanila.

Sinampahan na rin ang mga ito ng kasong administratibo.

Lumilitaw na ipinagdiwang ng mga pulis ang kaarawan ni Usero na umano’y driver bodyguard ni Lopez.

Kitang-kita sa mga kinunang larawan na pinagsasayaw ng mga pulis ang ilang babae na hubo’t-hubad at habang ang ibang pulis naman ay pinaghihipuan ang mga babaeng kanilang inimbitahan.(Ulat ni Doris Franche)

AYON

BENEDICTO LOPEZ

CHIEF SUPT

DEPUTY DIRECTOR GENERAL RICARDO

DISTRICT SECURITY AND SUPPORT UNIT

DORIS FRANCHE

DRUG ENFORCEMENT UNIT

EDMOND PACULDAN

PULIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with