^

Metro

Pedicab dinedo ng baliw

-
Namatay ang isang pedicab driver makaraang mapagtripan ng isang ice vendor na pinaniniwalaang may sayad sa utak kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Limang saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang ikinasawi ng biktimang si Frederick Pajarillo, 21, ng 748 S. de Guzman St. habang ginagamot sa Pasay City General Hospital.

Mabilis namang tumakas ang suspect na nakilalang si Joselito Retorca-Sabinay alyas Pogi ng Talipapa, Maricaban, Zone 19, Brgy. 179 Pasay City.

Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10:00 ng gabi sa harapan ng garahe ng Philtranco Bus sa Malibay, Pasay.

Nabatid na nagwawala at nagmumura ang suspect at may hinahabol itong lalaki na nakilalang si Roderick Ocampo Jennel.

Nabigo umano saksakin ng suspect si Jennel kung kaya’t si Pajarillo ang kanyang napagbalingan.

Ayon naman sa ilang saksi, may diperensiya sa pag-iisip si Sabinay at madalas din itong nananakit ng tao sa kanilang lugar. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BATAY

FREDERICK PAJARILLO

GUZMAN ST.

JOSELITO RETORCA-SABINAY

LORDETH BONILLA

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PHILTRANCO BUS

RODERICK OCAMPO JENNEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with