^

Metro

Mga magsasaka kakasuhan ng DAR

-
Kakasuhan ng Department of Agrarian Reform (DAR) ng P.3 milyong pinsala ang mga magsasaka na umano’y nanggulo at nanira sa tanggapan ng Kawanihan habang nagsasagawa ng kanilang kilos-protesta.

Ayon kay DAR Secretary Roberto Pagdanganan, hindi palalampasin ng pamahalaan ang ginawang karahasan ng mga magsasaka lalu pa’t ito’y lantarang paglabag sa batas.

Aniya, iginagalang niya ang mga saloobin ng mga magsasaka subalit hindi naman ito nagbibigay ng karapatan sa mga magsasaka na wasakin ang gate ng DAR at basagin ang mga salamin ng bintana na nagbigay daan naman sa mga tauhan ng CPD-SWAT at MMDA na buwagin ang barikada.

Naaresto sa nasabing dispersal sina Bonifacio Responso at Jun Hermocilla matapos na mahuling may dalang molotov bomb habang isinasagawa ng kilos-protesta.

Iginiit pa ni Pagdanganan na kailangan na papanagutin ang mga magsasaka dahil naniniwala siyang may hindi lehitimong magsasaka na nakibahagi sa protesta kung kaya’t may posibilidad na may kulay pulitika ang ginawang rally ng mga ito. (Ulat ni Doris Franche)

ANIYA

AYON

BONIFACIO RESPONSO

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM

DORIS FRANCHE

IGINIIT

JUN HERMOCILLA

KAKASUHAN

SECRETARY ROBERTO PAGDANGANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with