^

Metro

2 sibilyan tinodas ng mga adik

-
Dalawang lalaki ang namatay habang dalawa pa ang nasa malubhang kalagayan matapos na saksakin at itulak sa ilog ng mga adik sa magkahiwalay na insidente sa Caloocan City.

Si Arnel de Leon ng 102 P. Burgos St. 10th Ave. Caloocan City ay namatay matapos na saksakin sa likuran ng suspect na nakilala sa pangalang Rap-Rap dela Cruz na umano’y kilalang addict sa lugar.

Dakong ala-1 ng madaling araw ng abangan ng suspect at saksakin sa likuran ang biktima habang papauwi sa kanyang bahay.

Ayon sa pulisya, posibleng may atraso si de Leon sa suspect kung kayat ginantihan ito ng huli. Gayunman, nagsasagawa pa rin ng manhunt operation ang pulisya.

Samantala, nasawi din si Gerard Alibay, 17, habang ginagamot naman ang mga kaibigan nito na sina Christopher Candelaria, 16 at Crisanto Tolentino, 15. Pinaghahanap naman ang suspect na si Ricardo Galon, kapitbahay ng mga biktima.

Lumilitaw sa pagsisiyasat ng pulisya na sumilong sa isang tindahan sina Alibay, Candelaria at Tolentino upang magpatila ng ulan. Nadaanan ito ng suspect kasama ang ilang kaibigan at pinagbantaan ang mga ito na itutulak sa ilog kung hindi aalis sa pinagsisilungang tindahan.

Dahil sa lakas ng ulan hindi nagawa ng tatlo na umalis kung kaya’t muli itong nadatnan ng suspect at biglang itinulak sa ilog.

Bagama’t nakaligtas sina Candelaria at Tolentino, nagtamo din ang mga ito ng sugat habang inanod naman ng agos si Alibay.

Agad namang nakahingi ng tulong sina Candelaria at Tolentino at nakuha ang katawan ni Alibay matapos ang isang oras.

Ayon sa pulisya ang suspect ay kilalang adik sa lugar at matagal ng inirereklamo ng mga residente. (Ulat ni Rose Tamayo)

ALIBAY

AYON

BURGOS ST.

CALOOCAN CITY

CANDELARIA

CHRISTOPHER CANDELARIA

CRISANTO TOLENTINO

GERARD ALIBAY

RICARDO GALON

TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with