Parak timbog sa 'kotong'
February 8, 2004 | 12:00am
Isang kotongerong pulis ang naaresto ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group sa aktong tinatanggap ang P100 suhol sa isang driver sa may Ever Gotesco Grand Central sa Caloocan City.
Nakilala ang naarestong parak na si PO3 George Tiburcio, nakatalaga sa Historical Walk Police Detachment ng Caloocan police station.
Natimbog ito dakong alas-5 ng madaling-araw sa sumbong ng biktimang si Pablito de Pablo, isang jeepney driver.
Ayon kay Sr. Insp. Rex Portes ng CIDG-Special Operations Division, lumapit sa kanilang tanggapan ang biktima upang ipagharap ng sumbong ang suspect.
Huling-huli sa akto ang kotongerong pulis habang tinatanggap ang P100 na may ultra-violet powder na hinihingi nito sa biktima.
Nahaharap ngayon sa summary dismissal proceedings ang suspect na nakakulong ngayon sa CIDG detention cell. (Uat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended