^

Metro

Sagupaan ng vendors at MMDA muling sumiklab

-
Tuminding muli ang tensyon sa pagitan ng mga tauhan ng MMDA at grupo ng mga illegal sidewalk vendor makaraang pagtulungan nilang gulpihin ang mag-aamang vendor habang nagsasagawa ng clearing operation, kahapon ng umaga sa Parañaque City.

Nahaharap sa kasong physical injuries ang mga MMDA personnel na nakilalang sina Jessie Pablico, 23, at Reynaldo Abinoja, 19.

Samantala, nilalapatan naman ng lunas sa Parañaque Community Hospital ang biktima na sina Rodolfo Moracia Sr., 66; mga anak nitong sina Alfredo, 33; Rodolfo Jr. 31 at Angelito, 27, pawang naninirahan sa Dimasalang Extension, Baclaran, Parañaque City.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8:50 ng umaga sa Barangay Baclaran ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na kasalukuyang nagtitinda ang mag-aama ng magsagawa ng clearing operation ang grupo ng mga suspect.

Pilit na pinaaalis ang mga biktima dahil sa nakakasagabal sa daan, ngunit nagmatigas ang mga ito kung kayat pinaghahataw ng yantok ang mga biktima dahilan upang magtamo ang mga ito ng mga bukol, sugat at pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ALFREDO

BARANGAY BACLARAN

COMMUNITY HOSPITAL

DIMASALANG EXTENSION

JESSIE PABLICO

LORDETH BONILLA

REYNALDO ABINOJA

RODOLFO JR.

RODOLFO MORACIA SR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with