^

Metro

11 estudyante timbog sa pot session

-
Labing-isang kabataang estudyante na kinabibilangan ng apat na babae ang dinakip makaraang mahuli sa aktong humihitit ng marijuana sa loob ng kanilang sinasakyang van sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ang mga dinakip ay nakilalang sina Rose Manales, 23; Teresa Villanueva, 19; Joyce Castillo, 20; Janice Ramirez, 21; Roy Hobbs Bacani, 19; Francis Manapat, 23; Mark Manales, 24; Vincent Velasquez, 22; Apeli Cesar Talete, 21; Francis Tadeo, 18 at Paul Anthony Domingo, 24 na pawang nakapiit ngayon sa Central Police District-Kamuning Station.

Batay sa ulat ng pulisya, ang mga estudyante ay hinuli dakong alas-8 ng gabi habang ang mga ito ay lulan ng isang Toyota Hi-Ace van na may plakang UPK 265 na nakaparada sa may Jade Valley sa Timog, Quezon nang mamataan ng mga nagpapatrulyang pulis.

Naaktuhan ang mga ito na humihitit ng marijuana sa loob ng sasakyan.

Ayon pa sa mga pulis, naging bastos pa sa pakikipag-usap si Tadeo dahil binubugahan pa umano nito ng usok ng marijuana ang mga arresting officer.

Ang mga nadakip ay sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs at umaabot sa P200,000 ang piyansa ng mga ito para sa kanilang pansamantalang kalayaan. (Ulat ni Doris Franche)

APELI CESAR TALETE

CENTRAL POLICE DISTRICT-KAMUNING STATION

DORIS FRANCHE

FRANCIS MANAPAT

FRANCIS TADEO

JADE VALLEY

JANICE RAMIREZ

JOYCE CASTILLO

MARK MANALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with