^

Metro

Bebot binurdahan ng bala dahil sa droga

-
Onsehan sa droga ang nakikitang motibo ng pulisya sa pagkakapatay sa isang babae makaraang makita itong naliligo sa sariling dugo at nakabulagta sa gilid ng kalsada kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Ang biktima na nagtamo ng labing-isang tama ng bala ng baril sa ulo at katawan ay nakilala lamang sa alyas na Jasmin.

Sa ulat ng pulisya, nakarinig ang ilang residente ng M. Soriano St., Barangay Sto. Tomas ng sunud-sunod na putok ng baril dakong alas-10:45 ng gabi.

Ilang sandali pa nakita na ng mga residente sa nasabing lugar ang bangkay ng biktima na naliligo sa sariling dugo na nakabulagta sa gilid ng kalsada.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nakita ang ilang pirasong sachet ng shabu na nakatago sa bra ng biktima.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng pulisya kung ano ang tunay na motibo sa pagpaslang at kung sino ang maaaring sangkot dito. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

BARANGAY STO

EDWIN BALASA

ILANG

KASALUKUYAN

ONSEHAN

PASIG CITY

PULISYA

SORIANO ST.

TOMAS

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with