Manapat nasa watchlist na ng BI
February 7, 2004 | 12:00am
Hindi na makalalabas ng bansa si National Archives Director Ricardo Manapat.
Ito ay matapos na isailalim si Manapat ng Bureau of Immigration (BI) sa watchlist order nito.
Ang pagsasailalim kay Manapat sa watchlist ay alinsunod na rin sa kahilingan ni opposition Senator Edgardo Angara na huwag palabasin ng bansa si Manapat.
Nais ni Angara na matapos ni Manapat ang isinasagawang hearing ng Blue Ribbon Committee laban dito at masampahan ng kaukulang kaso.
Ang nasabing watchlist ay tatagal hanggang sa pormal na makapaglabas ng Hold Departure Order (HDO) ang korte laban sa nabanggit na Archives director.
Si Manapat ay una nang ginisa sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee matapos na lumutang ang tatlong empleyado ng National Archives, kung saan sinabi ng mga ito na silay inutusan ni Manapat na pekein ang mga dokumento ni KNP Presidentiable candidate Fernando Poe Jr.
Sisiyasatin din ng BI kung iisang tao lamang ang Ricardo Manapat at si Dir. Manapat na una nang naisyuhan ng HDO ng Sandiganbayan noong July 2002. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am