^

Metro

P4-M benepisyo ng DPWH employees, ibinulsa?

-
Ibinulsa umano ng mga tiwaling opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang P4 milyon na nakalaang benepisyo para sa mahigit na isandaang empleyado ng naturang kagawaran.

Base sa liham-reklamo ng may 111 empleyado ng DPWH, bagamat natanggap na sa Office of the Secretary ang memorandum, pinalitan naman ang halagang P8 milyon ng P4 milyon na lamang na para sa kanilang monetization leave.

Dahil dito kung kaya’t hinahanap ng mga empleyado ang natitirang P4 milyon o kabuuang P4,647,168.81 pondo na ayon sa kanila ay nakasaad sa batas ng Civil Service Commission na dapat ipagkaloob sa kanilang leave credit sa cash.

Magugunita na nauna nang inireklamo ng mga empleyado ang ginagawang pang-iipit sa pagpapalabas ng kanilang benepisyo nina DPWH Secretary Florante Soriquez at DPWH-NCR Director Rafael Yabut.

Inakusahan ng naturang mga empleyado sina Soriquez at Yabut na ibinulsa ang nakalaang P4 milyon na matagal na nilang hindi nakukuha simula pa noong nakaraang taon.

Hindi naman makuhanan ng pahayag kahapon sina Soriquez at Yabut tungkol sa naturang usapin. (Ulat ni Gemma Amargo)

CIVIL SERVICE COMMISSION

DAHIL

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

DIRECTOR RAFAEL YABUT

GEMMA AMARGO

IBINULSA

OFFICE OF THE SECRETARY

SECRETARY FLORANTE SORIQUEZ

SORIQUEZ

YABUT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with