Impostor na PSG arestado sa pamemeke ng dokumento
February 6, 2004 | 12:00am
Bumagsak sa mga elemento ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang impostor na miyembro ng Presidential Security Group (PSG) na sangkot sa pamemeke ng mga dokumento sa isinagawang entrapment operations sa Parañaque City.
Kinilala ni PNP-CIDG Director P/Chief Supt. Arturo Lomibao ang nasakoteng suspect na nagpakilalang 2Lt. Alberto E. Domingo, umanoy miyembro ng Presidential Task Force for Intelligence.
Si Domingo ay nadakip pasado alas-4 ng hapon kamakalawa matapos itong masukol sa isinagawang entrapment operations laban sa suspect sa loob ng isang security agency sa Parañaque.
Si Domingo ay itinuro sa reklamong pangre-recruit ng mga miyembro sa huwad na organisasyon maliban pa sa pagkakasangkot nito sa pamemeke ng mga ID, mission orders at Comelec gun ban, exemption permits, kapalit ng malaking halaga ng salapi sa kanyang mga binibiktimang kliyente.
Gayunman, nang magsagawa ng beripikasyon ay nabatid na peke ang grupong pinamumunuan ni Domingo at ni hindi man lamang konektado sa PSG kung saan ang pangalang Martin Sanciego Jr. na nakalagda sa likod ng pinepekeng ID nito ay matagal nang sinibak sa Office of the President. (Ulat nina Joy Cantos at Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended