^

Metro

2 patay,3 sugatan sa Marikina fire

-
Dalawa katao ang nasawi, kabilang ang isang 2-anyos na batang lalaki makaraang masunog ang inuupahan nilang bahay kahapon ng umaga sa Marikina City.

Nakilala ang mga nasawi na sina Kristine Luansing, 23, at pamangkin nitong si Mark Gabriel Villalola, 2, na kapwa idineklarang dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center sanhi ng suffocation. Samantala ginagamot din sa nasabing pagamutan sanhi naman ng tinamong 3rd degree burn sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga magulang ng nasawing paslit na sina Mark at Donna Gay Villalola, ang isa pang anak na si Aera, 3, pawang residente ng #26 R. Palma St., Parang, Marikina City.

Ayon kay Marikina City Fire Marshall Senior Inspector Antonio Razal nagsimula ang sunog sa sala ng nasabing bahay dakong alas-6:10 ng umaga habang natutulog pa ang mga biktima.

Mabilis na kumalat ang apoy sa buong kabahayan kaya nang magising ang mga biktima ay hindi agad nakalabas ng bahay dahil halos sarado ang buong kabahayan at puno pa ng grills ang mga bintana nito.

Tumagal ang sunog ng may kalahating oras subalit minalas na masawi ang dalawa sa mga biktima.

Hindi pa rin matiyak kung ano ang pinagmulan ng naganap na sunog, gayundin kung magkanong halaga ng ari-arian ang tinupok nito. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

AERA

AYON

DONNA GAY VILLALOLA

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

EDWIN BALASA

KRISTINE LUANSING

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY FIRE MARSHALL SENIOR INSPECTOR ANTONIO RAZAL

MARK GABRIEL VILLALOLA

PALMA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with