^

Metro

2 rapist na basurero,timbog

-
Dalawang kabataang mangangalaykay ng basura sa Smokey Mountain ang dinakip kahapon ng pulisya matapos na ituro na gumahasa sa isang 22-anyos na dalagang magbabasura rin sa tuktok ng gabundok na basura sa lungsod ng Maynila, kamakailan.

Nakilala ang dalawang nadakip na sina Joel Masa, 19, at isang alyas Over, 15, kapwa ng Temporary Housing Building 2, Vitas, Tondo.

Sa ulat ng WPD Children’s and Women’s Desk naganap ang panghahalay dakong alas- 10 ng gabi noong Enero 16 sa dumpsite ng Smokey Mountain.

Ayon sa biktima, nangangalaykay siya ng basura nang bigla na lamang siyang haltakin ng mga suspect at piringan sa mata bago siya kinaladkad sa isang bahagi ng dumpsite.

Halinhinan umano siyang ginahasa ng mga suspect na sabog sa droga.

Agad na nagtungo ang pulisya sa Smokey Mountain kung saan dinakip ang dalawang kabataan na kapwa naman itinanggi ang naturang krimen. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AYON

DALAWANG

DANILO GARCIA

ENERO

HALINHINAN

JOEL MASA

MAYNILA

NAKILALA

SMOKEY MOUNTAIN

TEMPORARY HOUSING BUILDING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with