^

Metro

P1.50 dagdag sa pasahe inihirit

-
Matapos ang muling pagtataas ng presyo ng gasolina, pormal na magsusumite ngayong araw na ito ng petisyon sa pagtataas ng pasahe ang mga jeepney driver sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Hihingi ng P1.50 dagdag sa mininum fare ang Philippine Confederation Driver’s Organization-Alliance of Concerned Operators (PCDO-ACTO) upang mapunan umano ang karagdagang ilalaan nila sa halaga ng krudo at mataas na presyo ng spare parts.

Ayon naman kay LTFRB chairman Elena Buatista, humihingi rin ang mga bus company ng karagdagang P1.50 sa mininum fare ng ordinaryong bus at karagdagang 30 hanggang 35 sentimo sa bawat kilometrong lalagpas sa mininum range.

Nakatakda namang dinggin ang petisyon sa darating na Pebrero 17.

Hinihiling naman ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) sa oil companies na panatilihin ang pagbebenta ng discounted diesel sa mga driver ng pampasaherong jeepney.

Ibinebenta ang discounted diesel ng P15.50 bawat litro sa piling gas station sa Metro Manila at karatig lugar. (Ulat ni Edwin Balasa)

AYON

DRIVERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

EDWIN BALASA

ELENA BUATISTA

HIHINGI

HINIHILING

IBINEBENTA

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

METRO MANILA

ORGANIZATION-ALLIANCE OF CONCERNED OPERATORS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with