^

Metro

Paslit inihagis ng baliw sa Manila Bay, tatay sumagip namatay

-
Nasawi ang isang ama makaraang tangkaing sagipin ang kanyang 5-anyos na anak na inihagis at nilunod ng isang babaeng may diperensiya sa pag-iisip sa Manila Bay, kamakalawa ng gabi.

Sa kasawiang palad bagamat nakaligtas ang kanyang paslit na anak, minalas naman na malunod at mamatay dahil sa hindi pala ito marunong lumangoy ang amang si Roel Mendoza, 40, ng Makata St., Sta. Cruz, Maynila.

Samantala, patuloy namang inoobserbahan sa Manila Doctors Hospital ang anak nitong si Jen Mariel na nakainom ng maraming tubig sa naturang insidente.

Agad namang nadakip ang suspect na nakilalang si Jemilyn Tuzon, 23, ng Dayao St., Balut, Tondo. Nakatakda din itong dalhin sa National Center for Mental Health dahil sa hinalang may diperensiya ito sa pag-iisip.

Sa ulat ng WPD Homicide Division, namamasyal sa Manila Boardwalk sa gilid ng Roxas Boulevard dakong alas-11:45 ng gabi ang mag-anak ni Roel kasama ang mga anak at asawang si Cecil na nagseselebra ng kaarawan.

Habang naglalaro ang mga anak ay lumapit ang suspect at sinabihan ang mga ito na masarap na matulog. Hindi naman ito pinansin ng mag-asawa hanggang sa biglang damputin ang anak nilang si Jen Mariel na inihagis sa dagat.

Tumalon din sa dagat ang suspect kung saan inilublob pa nito ng husto sa tubig ang bata.

Dahil dito, kahit hindi marunong lumangoy, napilitang tumalon rin sa dagat ang ama ng bata at pilit na inagaw ang anak sa pagkakahawak sa suspect.

Mabilis ding naka-responde ang mga lifeguard, unang nailigtas ng mga ito ang bata at isinunod naman ang suspect, habang hindi na natagpuan pa si Roel na natangay ng malalaking alon.

Makalipas ang ilang oras na paghahanap natagpuang wala nang buhay ang biktima. (Ulat ni Danilo Garcia)

ANAK

DANILO GARCIA

DAYAO ST.

HOMICIDE DIVISION

JEMILYN TUZON

JEN MARIEL

MAKATA ST.

MANILA BAY

MANILA BOARDWALK

MANILA DOCTORS HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with