^

Metro

12 lugar sa MM ideneklarang hotspots

-
Idineklara kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang labindalawang lugar sa kabuuang 17 siyudad at munisipalidad sa Metro Manila bilang "areas of immediate concern" sa darating na halalan sa Mayo 10 ng taong ito.

Sa isinumiteng report ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Director Ricardo de Leon, tinukoy ang mga tinaguriang hotspots na kinabibilangan ng mga lungsod ng Caloocan, Makati, Manila, Quezon, Parañaque, Las Piñas, Pasig, Pateros, Taguig at Marikina.

Ang mga munisipalidad ay kinabibilangan naman ng Navotas at San uan.

Nabatid na ang nasabing mga lugar ay ikinokonsiderang hotspots dahil mainit ang labanan sa pulitika sa nasabing mga lugar kung saan nitong mga nagdaang halalan ay maraming naitalang karahasan dito.

Sa panig naman ni PNP Directorate for Operations P/Director Aveino Razon Jr., sinabi nito na ang masusi nilang babantayan ay ang mga hotspots sa MM upang mapanatili ang maayos at mapayapang halalan.

Idinagdag pa ng opisyal na ang iba pang mga lugar sa Metro Manila ay kinabibilangan ng Valenzuela, Malabon, Muntinlupa, Mandaluyong at Pasay ay kinokonsiderang mapayapang mga lugar sa panahon ng halalan.

Sa kasalukuyan, ayon pa sa opisyal, masusi silang makikipagkoordinasyon sa Armed Forces of the Phils. (AFP) at Comelec upang maipatupad ang kinauukulang security measures sa mga lugar na kinokonsiderang hotspots. (Ulat ni Joy Cantos)

ARMED FORCES OF THE PHILS

CHIEF P

DIRECTOR AVEINO RAZON JR.

DIRECTOR RICARDO

JOY CANTOS

LAS PI

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

OPERATIONS P

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with