6 major awards sinungkit ng CPD
February 2, 2004 | 12:00am
Inuwi ng Central Police District ang anim na pangunahing gantimpala kabilang na ang District of the Year sa isinagawang pagdiriwang ng ika-13 anibersaryo ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).
Kasabay nito, binigyan naman ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng anim na buwan pa si CPD Director Chief Supt. Napoleon Castro upang ipagpatuloy ang kanyang pamumuno bilang hepe ng kapulisan sa lungsod ng Quezon.
Pinarangalan din bilang Senior Police Commissioned Officer of the Year si Supt. Raul Medina na dating hepe ng Criminal Investigation Unit ng CPD; PO1 Quirico Britanico na tumanggap ng Medalya ng Kagalingan; Angelita Garcia, Non-Uniformed Personnel; CPD -SWAT, District SWAT of the Year at CPD District Mobile Group, District Mobile of the Year.
Ayon naman kay QC Mayor Feliciano Belmonte, ang mga nasabing gantimpala ay pagpapatunay lamang na mahigpit ang ginagawa ng mga pulis sa lungsod upang mabigyan ng seguridad ang kanilang mga mamamayan. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest