10 pulis-Maynila sabit sa nakawan
February 2, 2004 | 12:00am
Nahaharap ngayon sa kasong pananakaw ang 10 pulis ng Western Police District na kinabibilangan ng isang opisyal makaraang magsagawa ng operasyon sa isang bar at restaurant at tangayin umano ang may P40,000 cash at alahas ng may-ari ng establisyimento sa Ermita, Maynila.
Ang mga pulis ay nakilalang sina Insp. Anthony de Leon, hepe ng raiding team ng District Intelligence and Investigation Division (DIID) ng WPD; SPO2 Napoleon Geronimo; SPO2 Romeo Lara; PO2 Edwin Acuña; PO2 Buan Bagaporo; PO2 Roderick Tan; PO2 Rogelio Reyes; PO2 James Ramos; PO1 Severino Melad at PO1 Marian Esmas.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nagharap ng reklamo si Marie Charlie Maquiling ng Sugar Cane Bar and Restaurant laban sa mga nasabing pulis matapos na magsagawa ng operasyon ang grupo ni de Leon sa kanyang restaurant sa 118-A Mabini St. Ermita, Manila.
Sa salaysay ni Maquiling, pumasok ang mga pulis sa bar at nagpanggap na mga customer at makalipas ang ilang minuto ay puwersahan namang pinasok ng mga ito ang kuwarto niya na nasa ikalawang palapag.
Agad na naghalungkat ang mga pulis at kinuha ng mga ito ang P40,000 na nasa drawer at isang gold necklace.
Bukod dito, sapilitan namang dinala ng isa sa mga pulis ang kanyang waitress na si Mariane Suben sa SOGO Hotel habang naghihintay naman ang iba pang pulis.
Ayon naman kay Suben, kumuha ng mga resibo ang mga nasabing pulis at agad din siyang dinala sa WPD Headquarters.
Hindi naman mahagilap ang mga sangkot na pulis upang mahingan ng kanilang panig laban sa naging akusasyon ni Maquiling. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest