82 baril nakuha sa bahay ng PNP official
February 1, 2004 | 12:00am
Umaabot sa 82 matataas na uri ng baril ang nakuha sa bahay ng isang opisyal ng Philippine National Police makaraang pasukin ng pulisya ang bahay nito upang i-serve ang warrant of arrest sa kasong bigamy sa Pasig City.
Hindi inabutan ng mga awtoridad sa pangunguna ni Sr. Supt. Ernesto Catungal, hepe ng Pasig City Police si Chief Insp. Ruperto Regis, Jr. kasalukuyang nasa floating status nang pasukin ang bahay nito sa Blk. 4 Lot 2 Bliss Sta. Lucia Townhomes, Brgy. Rosario sa nabanggit na lungsod.
Napag-alaman na dakong alas-5 ng hapon nang puntahan ng pulisya ang bahay ni Regis upang i-serve ang warrant of arrest sa kasong bigamy na isinampa ng asawa nitong si Amelia Enriquez-Regis.
Papasok pa lamang ng gate ang mga pulis nang makarinig sila ng putok. Mabilis na pinasok ng mga awtoridad ang bahay upang alamin kung saan galing ang putok.
Subalit laking gulat nila nang makita ang mga baril na kinabibilangan ng 25 shotgun; 54 na .38 caliber revolver; dalawang 9mm at isang .45 caliber.
Kasalukuyan pa ring inaalam ng pulisya kung may mga permit ang mga nakuhang baril kasabay ng paghahanap kay Regis. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest