Opisina ni Sen. Legarda nasunog
February 1, 2004 | 12:00am
Tinupok ng apoy ang ilang kagamitan at mahahalagang dokumento sa opisina ni Senator Loren Legarda matapos itong masunog kahapon ng umaga sa Senate Building sa Pasay City.
Faulty electrical wiring ang nakikitang pinagmulan ng sunog na naganap dakong alas-6:50 ng umaga sa 6th floor ng nasabing gusali.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa isa sa mga saksakan ng kuryente na nasa ilalim ng mesa ng staff ni Legarda kung saan agad na natupok ang tatlong computer, laser printer at ilang computer chair.
Ilang mahahalagang dokumento rin ang nabasa at nasira matapos na mag-on ang automatic sprinkler sa naturang tanggapan.
Dakong alas-8:10 naman nang tuluyang maapula ang sunog ng mga senate security at maintenance gamit ang in-house fire extinguisher, stand pipe at automatic sprinkler. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended