Bigtime LPG syndicate nalansag
February 1, 2004 | 12:00am
Nabuwag ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang malaking sindikato na sangkot sa iligal na paglalagay ng Liquefied Petroleum Gas sa mga tangke sa isang lugar sa Quezon City.
Tinatayang umaabot sa milyung-milyon piso ang halaga ng mga siphoned LPG gas ang nasabat ng mga awtoridad.
Sa bisa ng warrant of arrest, na ipinalabas ni Judge Antonio Eugenio, Jr. ng RTC Br. 24, NCRJ, Manila, sinalakay ng PNP-CIDG sa pangunguna ni Chief Supt. Arturo Lomibao ang Allied Trading sa 742 Mindanao Ave. Q.C. at umanoy pag-aari ng isang nagngangalang Dante Gutierrez.
Umaabot sa 40 katao ang dinakip matapos na magreklamo ang mga consumers, retailers at LPG Dealers Association of the Philippines dahil sa panloloko ng sindikato.
Sinabi ni Lomibao na noong Biyernes pa ng gabi nila sinimulan ang operasyon at natapos lamang kahapon ng umaga.
Nabatid na pinapalitan ng sindikato ng mga pekeng gas ang mga LPG gas tank ng Petron at Total Gas bukod pa sa kulang din ang timbang nito na inirereklamo ng mga consumers.
Matatandaan na mahigpit ang kautusan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo hinggil sa panloloko sa mga petroleum dahil ito ay isang uri ng pananabotahe sa ekonomiya ng bansa.
Ang mga suspect ay kakasuhan ng paglabag sa BP 33 o Acts and Trade Practices. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended