^

Metro

Utak sa Betti Chua-SY kidnap/slay sumuko

-
Isa pang suspect at pinaniniwalaang mastermind sa pagdukot at pagpatay sa Coca-Cola Bottling executive na si Betti Chua-Sy ang sumuko sa reporter ng ABS-CBN makaraang makaramdam ng pangongonsensiya at takot kahapon ng madaling- araw.

Si Rodrigo Artoza, 58, steelman at karpintero at tubong-Jaro, Leyte ay sumuko kahapon ng madaling-araw sa reporter na si Gus Abelgas sa Vigan, Ilocos Sur.

Ito ay pang-14 na sa mga suspect na nasa kustodya ng pulisya matapos na magsisuko at madakip ng pulisya sa kanilang mga hideout.

Dalawa pa sa mga suspect na sina Zosimo Lawson at Leydo Añover ang pinaghahanap ng pulisya.

Lumilitaw na una nang pinuntahan si Artoza sa Brgy. Sapang Buho sa Palayan City makaraang makatanggap ng impormasyon na dito ito nagtatago subalit nabigo ang pulisya,

Nakausap ni Abelgas ang isa sa mga kapatid ni Artoza sa cellphone at sinabi kung sa ito matatagpuan sa Ilocos Sur at sa kondisyon na walang kasamang pulis.

Agad na tinungo ng crew ng ABS-CBN sa Vigan Ilocos,Sur si Artoza at mapayapa naman itong sumuko.

Gayunman, mariin namang pinabulaanan ni Artoza na siya ang utak sa pagdukot at pagpatay kay Sy. Hindi umano niya alam na gagamitin siya ni Sonny Dacallos sa operasyon ng pagdukot kay Sy. Wala umano siyang alam sa plano ng mga unang nadakip ng mga awtoridad.

Batay naman sa imbestigasyon ng pulisya, si Dacallos ang siyang sumundo sa mga kidnaper sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila bago tuluyan isagawa ang pagdukot at pagpatay kay Sy.

Matatandaan na si Sy ay dinukot noong Nobyembre 16 at natagpuan ang bangkay nito kinabukasan sa Diosdado Macapagal Blvd. sa Parañaque City. (Ulat ni Doris Franche)

ARTOZA

BETTI CHUA-SY

COCA-COLA BOTTLING

DIOSDADO MACAPAGAL BLVD

DORIS FRANCHE

GUS ABELGAS

ILOCOS SUR

LEYDO A

METRO MANILA

SY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with