^

Metro

No.15 most wanted kidnapper sumuko

-
Matapos ang mahabang panahong pagtatago sumuko na sa mga awtoridad ang tinaguriang No. 15 most wanted kidnapper na responsable sa pagdukot sa isang 12-anyos na batang Hapones at sa negosyanteng Fil-Chinese noong 2001.

Nakilala ang sumukong kidnapper na si Joer Abonales, 32, na iprinisinta ni National Anti-Kidnapping Task Force (NAKTAF) chief Angelo Reyes kay Pangulong Arroyo.

Si Abonales ay may patong na P500,000 sa ulo at sinasabing isa sa mga lider ng Pegarido kidnap-for-ransom group at ika-15 sa talaan ng most wanted kidnapper sa bansa.

Sinabi pa ni Reyes na si Abonales ay responsable sa pagdukot sa anak ng negosyanteng Hapones na si Seisburo Giga na may asawang Pinay na nakilalang si Mark John Giga,12, noong Setyembre 26, 2001.

Dinukot ang bata sa harap ng Mariane School sa Sauyo Road, Novaliches, Quezon City.

Maliban dito, inamin rin ng suspect ang pagkakasangkot niya sa pagdukot sa negosyanteng Fil-Chinese na si Mae Ling Ang na kinidnap sa Gabriel II Subdivision sa Barangay Hulong Dagat sa Malabon City noong Disyembre 26, 2001.

Magugunita na siyam na kasamahan ni Abonales ang nasakote na ng mga awtoridad sa isinagawang raid noong Disyembre 26, 2001 sa hideout ng mga ito sa Agham Road sa Quezon City. (Ulat nina Joy Cantos at Ely Saludar)

vuukle comment

ABONALES

AGHAM ROAD

ANGELO REYES

BARANGAY HULONG DAGAT

DISYEMBRE

ELY SALUDAR

FIL-CHINESE

HAPONES

JOER ABONALES

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with