2 pa sa Betti Sy kidnap-slay, sumuko
January 28, 2004 | 12:00am
Dalawa pang sangkot sa pagkidnap at pagpatay sa Coca-Cola executive na si Betti Sy ang sumuko sa mga awtoridad.
Kahapon sumuko si Mariolito Demol sa Guiguinto, Bulacan, samantalang nauna na ring sumuko ang isa pang suspect na si Ramil Victoriano, 32, dating OFW na buhat sa Surigao City.
Lumitaw sa imbestigasyon na si Demol ay dating empleyado ng pamilya Sy na siyang nagbigay ng impormasyon sa Waray-Waray gang tungkol sa negosyo ng pamilya nito at ang mga lugar na pinupuntahan ng biktima.
Samantalang si Victoriano naman ay naging utility man umano ng sindikato. Siya umano ang utusan at tagahain ng pagkain ng sindikato nang isagawa ang pagpaplano ng pagkidnap kay Sy sa loob ng bahay ng isa pang suspect na si Baby Tamayo sa Heritage Homes Subdivision sa Trece Martires.
Binanggit pa nito na nakita niya ng binaril at ibinalot ang katawan ni Sy bago inilabas sa naturang bahay.
Pinangalanan niya ang gunmen ni Sy na sina Lope Separable at isang alyas Munding Corteza.
Matapos ang krimen ay nagtago na siya sa kanyang pamilya sa Surigao City.
Ayon pa sa mga awtoridad, may pito hanggang 8 pang pangunahing suspect ang kanilang pinaghahanap. (Ulat nina Danilo Garcia at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest