^

Metro

1 pa sa Betti Sy kidnap-slay timbog

-
Isang miyembro ng kilabot na ‘Waray-Waray group’ na sangkot pa rin sa pagkidnap at pagpaslang sa Coca-Cola executive na si Betti Sy ang nadakip ng pulisya, kamakalawa sa Taguig.

Nakilala ang nadakip na suspect na si Danilo Artoza, 43, isang construction worker, ng Pembo, Makati City.

Ayon sa pulisya, nadakip si Artoza sa isang follow-up operation habang ito ay nagtatago sa Purok 13, South Daan Hari, Barangay Bagong Tanyag, Taguig, dakong alas-3:30 kamakalawa ng madaling-araw.

Bukod sa pagkakasangkot sa kidnap-slay kay Betti Sy, dawit din ito sa ilan pang insidente ng kidnap at panghoholdap sa ilang lugar sa Metro Manila.

Samantala, pinaghahanap pa ng awtoridad sina Ali Aldas at isang Zosimo Lanson, alyas Zosing na kasama ni Artoza sa grupo. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALI ALDAS

ARTOZA

BARANGAY BAGONG TANYAG

BETTI SY

DANILO ARTOZA

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

METRO MANILA

SOUTH DAAN HARI

TAGUIG

ZOSIMO LANSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with