Ayon kay Lorenzo, ang mga manok ay galing sa Estados Unidos ay ilegal na naipasok sa Pilipinas kayat walang dapat na ipangamba ang publiko na kahit kumalat ang naipuslit na mga manok sa mga pamilihan dahil ito ay ligtas sa bird flu.
Nilinaw pa nito, na hindi dahil sa sakit o virus kaya kinumpiska ang mga karne ng manok kundi dahil sa kakulangan ng mga kaukulang dokumento para sa importasyon nito mula sa US.
Siniguro rin ng Department of Health na walang dapat ipangamba ang publiko at ligtas pa rin sa nasabing sakit ang mga manok sa bansa.
Nilinaw ni DOH Secretary Manuel Dayrit na hindi maaaring maisalin sa pamamagitan ng human to human ang naturang virus. Wala pa silang naitatalang ganitong kaso at sa halip ay animal to human lamang. (Ulat nina Angie dela Cruz at Gemma Amargo)