^

Metro

Salvage victim lulutang-lutang sa Pasig River

-
Isang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuang lulutang-lutang sa Pasig River habang nakatali pa ang leeg at mga kamay nito kahapon ng madaling-araw sa Quiapo, Maynila.

Ang biktima ay tinatayang nasa edad na 35-40, may taas na 5’4’’ at tattoo na pusa sa kaliwang braso habang zodiac sign na Libra sa kanan. Nakasuot din ito ng kulay puting T-shirt at kulay cream na sapatos.

Batay sa pagsisiyasat ni Det. Danilo Tuazon ng WPD Homicide Division, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-3 ng madaling-araw nina Danilo Carpio at Narciso Fulgencio na nakatali ng nylon cord ang leeg at kamay.

Pinaniniwalaang ang biktima ay pinatay sa ibang lugar at itinapon lamang sa ilog upang iligaw ang imbestigasyon ng pulisya. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

BATAY

DANILO CARPIO

DANILO TUAZON

GEMMA AMARGO

HOMICIDE DIVISION

ISANG

MAYNILA

NAKASUOT

NARCISO FULGENCIO

PASIG RIVER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with