^

Metro

Konsehal,piskal at trader kinasuhan sa DOJ

-
Nahaharap ngayon sa kasong kriminal sa Departmet of Justice ang isang opisyal ng Pasay City Hall, piskal at negosyante matapos na bugbugin ng mga ito ang tatlong katao na kinabibilangan ng dalawang babae sa Pasay City.

Batay sa reklamong isinampa ng magkapatid na Ma. Cecilia at Ma. Cristina Natividad at kasintahan nitong si Edward Prado pinagbubugbog sila umano nina Fiscal Bernabe Solis, Pasay City Councilor Mon Arceo at negosyanteng si Roland Lim kasama ang mga bodyguards nito.

Lumilitaw na inimbitahan sila ni Lim noong Nobyembre 2, 2003 na kumain sa restaurant nito sa Big Bucket Restaurant and Grill House sa Roxas Boulevard nang biglang dumating sina Arceo at Solis at magkaroon ng mainitang pagtatalo.

Dahil dito, minabuti ng mga biktima na umalis na lamang subalit laking gulat nila ng sundan sila sa parking lot nina Lim, Arceo at Solis kasama ang kani-kanilang bodyguards kung saan pinagtulung-tulungan silang bugbugin habang nakatutok naman umano ang baril ni Arceo sa kanila. Sinampal din umano ni Arceo si Cecilia.

Sina Arceo, Solis at Lim ay nahaharap sa kasong grave threats at physical injuries. (Ulat ni Grace Amargo)

vuukle comment

ARCEO

BIG BUCKET RESTAURANT AND GRILL HOUSE

CECILIA

CRISTINA NATIVIDAD

DEPARTMET OF JUSTICE

EDWARD PRADO

FISCAL BERNABE SOLIS

GRACE AMARGO

PASAY CITY

PASAY CITY COUNCILOR MON ARCEO

PASAY CITY HALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with